Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regine niregaluhan ng diamond si KZ

0 79

Minsan pa ay pinatunayan ni Asia’s Songbird ang kanyang pagka-galante. Niregaluhan niya ng diamond ring ang kapwa-singer na si KZ Tandingan.

Na-reveal ito sa Instagram post ng isa sa mga supervising producers ng ABS-CBN na si Jasmin Ignacio Pallera. Tatlong larawan ang ipinost niya na kuha sa backstage ng ASAP last Sunday.

Aliw ang caption ni Pallera na engaged na raw sina Regine at KZ. Aniya pa, kaswal daw na ibinigay ni Songbird ang singsing kay KC just before theier performance.

“Te Reg @reginevalcasid and KZ @kztandingan

@kztandingan is on Instagram • 816k people follow their account
816k Followers, 1,178 Following, 6,193 Posts – See Instagram photos and videos from KZ (@kztandingan)

just got engaged!!!
Just before their TGS performance, Ate Reg casually gave KZ a diamond ring!! Woohooo!! A Sana All moment, indeed!” ang nakasaad sa caption.
Makikita sa mga larawan na suot na ni KZ ang singsing .Halos mangiya-ngiyak siya habang nakangiti naman sa tabi ni si Regine.

For sure, maraming female singer ang nainggit kay KZ sa pabolosang regalo ni Regine.

Bela ‘ikakasal’ na sa London

Ikakasal na ba si Bela Padilla sa kanyang Swiss boyfriend at hindi na babalik sa Pilipinas?

As we all know ay ilang buwan na ring nasa London si Bela at akala ng marami ay nagbabakasyon lang siya roon para makasama ang Swiss boyfriend na si Norman Bay na naninirahan sa Switzerland.

Pero base sa tweet ni Bela last Monday, mukhang doon na siya maninirahan.

“So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video,” tweet ni Bela.

Ang daming nag-comment sa post niya .May blogger pang nagtanong kung puwede siyang ma-interview tungkol dito.

Nagkomento rin si Karen Davila. Aniya, “kudos and good for you Bela! Praying for your success!!! GO GIRL!”

Ang ibang netizen naman ay nagtatanong kung permanent na ba ang move niyang ito at kung hindi na ba siya babalik sa Pinas. May nagtanong din kung hindi na ba siya mag-aartista at kung magse-settle down na ba siya.

Ang ilan naman sa kanyang fans ay nagpahayag ng pagka-miss sa aktres.

Anyway, ayon nga kay Bela ay sasagutin niya ang mga tanong sa video kaya abangan na lang natin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.