Abante Tonite Interactive

Regine-Ogie feeling honeymooners sa Italy

365

Itsura ng honeymooners sa Italya ang magdyowang Regine Velasquez at Ogie Alcasid na nag-extend pa after ng “ASAP” show sa Roma at nagliwaliw sa Positano sa Amalfi Coast.

Sey ni Ogie sa kanyang swit-switang IG post, “When we got married in 2010, our dream honeymoon was supposed to be here in Positano.

“We weren’t able to come because wifey got pregnant 2 months after. And so, we both said, ‘maybe someday’.

“Well, the Lord has blessed us after 9 years of waiting because finally we made it here. It certainly was worth the wait. Love you my baba.”

Matamis ding sagot dito ni Regine, “Finally, baba, nakarating din tayo dito and you’re right. It is worth the wait. I love you more, baba.”

Sey ni Reg sa post niya, pagdating daw nila ni Amalfi ay parang nakakain siya ng hanger dahil she couldn’t stop smiling.

“Thank you, baba. I’m having the time of my life,” masayang sabi pa ni Songbird.

Bago nag-Amalfi ay nag-ikot-ikot sila sa Rome, sa may Vatican at iba pang tourist spots doon. Nabanggit ni Reg sa post niya na happy siyang nagbagong buhay na ang mister niyang si Ogie at hindi na raw siya binibigyan ng itinerary.

Siya rin daw ay nagbagong buhay na, hindi na shopping lang ang ginagawa niya ‘pag nagta-travel sila.

Ka-bonding ng OgRe sa very picturesque na Positano ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Si Piolo Pascual ay nag-extend din sa Italya at nagpunta rin ng Amalfi Coast at sa Isle of Capri kasama ang kanyang Mommy Amy.

Daniel kinantiyawan ang pagsasayaw

Lakas maka-good vibes nu’ng nagkakasiyahan sina Daniel Padilla at James Reid sa afterparty ng grupo sa “ASAP” Rome, tapos ay pakargang niyakap ni James si DJ para pasayawin sa dance floor.

Hangkyut ni Daniel na hindi talaga mahilig sumayaw kaya nakantiyawan ng tropa na magpakita ng dance moves niya.

Actually, marunong sumayaw si DJ eh, mas feel niya lang talagang kumanta kesa mag-dance.

Ang daming natuwa na vibes na vibes ang dalawang Kapamilya heartthrobs, na wala naman talagang problema at fantards lang nila ang nag-aaway.

From the afterparty ay lumabas pa raw para mag-dinner ang KathNiel at kasama raw ng mga ito si James doon sa Rome. Ang saya, ‘di ba?

Nagkasama na before sa isang TVC sina DJ at James kaya kahit paano ay may bonding na rin sila. At ‘pag naiinterbyu ay ang gaganda ng mga sinasabi nila sa isa’t isa.

Kung may ganu’ng moments ang JaNiel (James-Daniel), kailan naman daw kaya ang mga nobya nilang sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo?

Posible kaya ‘yon? Ang ganda rin sigurong panoorin kung may eksenang ganu’n ang KathDine (Kathryn-Nadine), ‘no?!

PAK!!