Abante Tonite Interactive

Regine at Ogie sex pa more

By
3,288

ANG gandang tingnan ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa presscon ng Valentine concert nilang #paMORE kasama sina Martin Nievera at Erik Santos kahapon, nang dumating ang anak nilang si Nate.

Pagpasok ng bagets, kitang-kita mo ang saya sa mukha ng mag-asawa. Tumakbo si Nate kay Regine, yumakap at humalik. Pagkatapos nu’n lumipat siya kay Ogie at nagyakap sila nang matagal.

Bago nagsimula ang presscon, napag-usapan pa naman namin kung tina-try pa ba nilang sundan si Nate, lalo na’t kapansin-pansin ang pagpayat at pagpapa-sexy ngayon ni Regine.

Pero okay na pala silang mag-asawa kay Nate.

Kahit may mga nag-suggest na puwedeng subukan ng mag-asawa ang scientific na procedure dahil kino-consider ang edad ni Regine, pero okay na raw sila, kahit hindi na masundan si Nate.

“Parang okay na kami,” pakli ni Regine.

“Alam mo si Nate, is such a blessing. Kasi aksidente siya eh. Binigay siya talaga.

“Parang feeling ko, binigyan na nga ako, pupunta pa ba ako sa siyen­sya?

“Feeling ko, binibigay ‘yun talaga sa ‘yo na kahit pupunta ako sa siyen­siya, kung hindi, hindi talaga. So, parang ‘yun na ‘yun.

“If He give us one more, we’ll be so happy. I think, tinatama na rin kasi anong edad ko pa? Kasi parang hindi naman fair dun sa next. Wala na ako masyadong energy,” dagdag na pahayag ni Regine.

Pero sa totoo lang, medyo active naman ang sex life nila. Kaya lang, abala sila ngayon sa kanilang #paMORE concert sa February 10 sa SM MOA Arena, nadidiyeta na sila sa kama.

“Busy kasi kami ngayon,” pakli ni Regine.

“What’s good about working with him is that I’m always with him. That’s why I’m excited.

“Kaya lang, siyempre ‘pag mag-asawa kayo, meron din paminsan-minsan nagkakairingan, natural lang naman ‘yun. So, dun na papasok ‘yung sex,” natatawang sagot ni Regine.