Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regine, Sarah salpukan sa Star Awards for Music

0 80

RODEL FERNANDO: Nakahanda ang The Philippine Movie Press Club,Inc. sa pagdiriwang ng Star Awards Awards for Music. Sa kauna-unahang pagkakataon ay virtual presentation ang ika-12 na edisyon nito na gaganapin ngayong October 10 sa ganap na ika-6 ng gabi. Mapapanood sa STV channel at mag-stream sa RAD.

Sina Congressman Alfred Vargas at Sanya Lopez ang magsisilbing hosts. Ang Pop Diva na si Kuh Ledesma ay kabilang sa mga performer kasama sina Marion Aunor, Cool Cat Ash at si Mr. Pure Energy Gary Valenciano. Si Pete Mariano naman ang direktor ng kabuuang pagtatanghal.

Ang 12th Star Awards for Music ay handog ng PMPC sa pangunguna ng Presidente nito na si Roldan Castro at ng Film Development Council of the Philippines ni Chairperson Liza Diño-Seguerra. Katuwang din sa naturang industry award ang Frontrow ni Raymond “RS” Francisco.

Matitindi ang labanan at salpukan ng mga nominado lalo na sa kategoryang Female Concert Performer of the Year na paglalabanan nina Angeline Quinto, Katrina Velarde, Lea Salonga, Moira Dela Torre, Regine Velasquez, Sharon Cuneta at Zsa Zsa Padilla. Matalo nina Angeline, Katrina at Moira ang mga bigating sina Lea, Sharon, Zsa-Zsa at Regine? Abangan!

ROMMEL PLACENTE: Ang mga fan ni Daniel Padilla mga ka-Cuatros,siguradong inaabangan na nila ang 12th PMPC Star Awards For Music dahil nominado rito ang idol nila para sa kategoryang Male Recording Artist of The Year para sa kantang Mabagal. Ang nasabing awitin naman ay nomindo sa Song of The Year.

Ang mga kalaban ni Daniel para sa kategoryang Male Recording Artist of The Year ay sina Garrett Bolden – Handa Na Maghintay | GMA Music, Gloc 9 – Dungaw | Aristotle Pollisco Music,Janno Gibbs – Walang Kupas | Viva Records, John Rendez – Think About It | Star Music

Sam Mangubat – Ikaw At Ikaw Pa Rin | Star Music, at TJ Monterde – Karera | PolyEast Records

Suwetehin kaya si Daniel na maiuwi ang Male Recording Artist of The Year? Yan ang ating aabangan.

Magsasalpukan naman ang magagaling na female singer ng bansa na sina Regine Velasquez para sa awitin niyang ‘I Am Beautiful’ na prodyus ng Vehnee Saturno Music Corp, at si Sarah Geronimno para naman sa kanta niyang ‘Ang Tangi Kong Pangarap’ mula sa Viva Records. Pareho silang nominado para sa kategoryang Female Recording Artist of The Year. Sino kaya sa kanila ang papalaring manalo? O baka naman, isa sa mga kalaban nila ang susuwertihing manalo na sina Aicelle Santos – Bakit Siya | GMA Music, Julie Anne San Jose – Nobela | Universal Records,Kuh Ledesma – Sama-Sama sa Pasko | Bravo Records

KZ Tandingan – Halik sa Hangin | Star Music, at Moira dela Torre – Mabagal | Star Music?

MILDRED A. BACUD: Fresh from.the success of 36th PMPC Star Awards for Movies , mapapanood na this Sunday ang 12th PMPC Star Awards for Music.

May mga bagong pamgalan ang napasama sa Pop Artist of the Year. Isa ito sa mga kategoryang inaabangan rin.

Sino kaya kina Carlo Aquino (Balisong | Ivory Music and Video Inc.),Garrett Bolden(Handa Na Maghintay | GMA Music),Inigo Pascual (Next In Line | Star Music), Matteo Guidecelli (Sundo | Viva Records), Pong Idusora (Sapi | Lodi Records),Ruru Madrid ( Nawawala | GMA Music) at TJ Monterde (Karera | PolyEast Records) ang magwawagi sa Male Pop Artist of the Year?

Sa Female Pop Artist of the Year, sino naman ang mag-uuwi ng tropeo kina Golden Canedo (More than Before | GMA Music), Julie Anne San Jose (Nobela | Universal Records),

Klarisse de Guzman (NBSB | Star Music), Lovi Poe ( Segundo | Viva Records)

Maricris Garcia (Kahit Ganun Pa Man | GMA Music), Marion Aunor (Paasa | Viva Records) at

Sarah Geronimo (Ang Tangi Kong Pangarap | Viva Records).

ROLDAN CASTRO: Kakaiba ang 12th Star Awards for Music dahil isasabay rin ang pagbibigay ng PMPC ng special awards sa mga taong nasa larangan ng negosyo,public service at entertainment.

Pagkatapos ipalabas ng 6PM sa telebisyon at sa RAD, mapapanood din ito ng 9PM sa PMPC, FDCP, Abante News, Abante Tonite at Abante Radyo Tabloidista Facebook page.

Anyway, napakahalaga ng musika sa ating pamumuhay. Lalo na sa panahon ngayon na puno ng pangamba, takot, lungkot at halos lahat ay kailangan manatili lamang sa bahay, isa ang musika sa nagpapasaya at naghihilom sa ating mga kalungkutan at karamdaman.

Kaya bilang pangulo ngayon ng PMPC, samahan kami sa isa namang edisyon ng Star Awards. Kilalanin ang pinakamahuhusay na OPM artists, concert performers, composers at record producers na patuloy na nagbibigay sa atin ng magagandang musika.

Mabuhay ang mga Pilipinong mang-aawit! Mabuhay ang mga manlilikha ng OPM… Mabuhay ang lahat ng mga nominado at magwawagi sa gabi ng 12th PMPC Star Awards for Music!

Leave A Reply

Your email address will not be published.