Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Regine Velasquez: Tigil na sa mga trapo!

0 831

Hindi na magpapagamit si Regine Velasquez-Alcasid sa mga tinawag nitong ‘trapo’ na politiko.

Sa tweet ng ‘Asia’s Songbird’, hinimok nito ang mga kapwa singer na mamili na ng mga taong ikakampanya para sa mga susunod na eleksyon.

“Noon paman kaming mga artista at singers na ang ginagamit para mangumpanya. Gamitin natin ang implowensya natin para maihalal ang mga nararapat,” sey ni Regine.

“TAMA NA SA MGA TRAPO!!!!” giit pa nito, kasama ang mga hashtag na #IbalikAngABSCBN at #KapamilyaForever.

Ngayon Huwebes nakatakdang pagbotohan ng mga kongresista ang kakahinatnan ng franchise renewal bill ng ABS-CBN para muling makabalik sila sa pagbo-broadcast.

Matatandaan na pinatigil ang operasyon ng network noong Mayo matapos mag-expire ang kanilang 25-year franchise, kung saan lampas 11,000 trabaho ang inaasahang maapektuhan kapag nagpatulog ang pagpapasara ng network.

Leave A Reply

Your email address will not be published.