Abante Tonite Interactive

Rehab ni AJ Edu makukumpleto na

456

Malapit nang makumpleto ang rehabilitasyon ni AJ Edu mula sa torn ACL na inabot sa FIBA World Under-19 tournament noong nakaraang taon.

Ibinalita ni Andrew Teh na may on-court activities na ang 6-foot-10 forward.

“Nagsu-shoot around na, exercise,” anang Gilas Youth team manager nitong Miyerkoles. “Pero non-contact activities pa lang.”

May isa pang pinagkakaabalahan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas – ang pagsasaayos sa papeles ng isa pang 7-foot teener, si Sage Tolentino.
Hawaii-based si Tolentino, ginagawan ng paraan ng SBP para makakuha ng Philippine passport. Sa dokumentong ito siya may tsansang mabigyan ng clearance ng FIBA na maglaro para sa Pilipinas.

“Right now we’re still trying to figure out how to expedite the process of his (Philippine) passport,” panapos na lahad ni Teh.

Challenge para sa SBP na makakuha ng supporting­ papers para sa PH passport application ni Tolentino.

Kapag nakumpleto ang papers ni Tolentino at natapos ang rehabilitasyon ni Edu, kasama si Kai Sotto ay may tatlong higante ang Gilas sa pagtatapos ng first window ng FIBA Asian Cup Qualifiers sa November.
Idagdag si June Mar Fajar­do, apat na ang tore ng Pilipinas. Binigyan lang muna ng SBP ng pagkakataong magpahinga ang five-time PBA MVP na 2013 pa kumakampanya para sa Gilas. (VE)