Abante Tonite Interactive

Rehabilitasyon sa Boracay walang extension

By
1,076

Walang ekstensyon at tatagal lang nang anim na buwan ang rehabilitation program sa isla ng Boracay.

Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones sa isang press conference.

“Just to emphasize, this six months is a maximum period. We can shorten the closure, depending on the progress of the rehabilitation efforts to be done in Boracay,” ayon kay Leones.

Abante Hiring – IT dep

Ang Boracay ay nakatakdang isara sa Abril 26 at ito umano ay panandalian lamang. Ang nakatakdang maximum period ay hindi na umano patatagalin pa.

Bagama’t ito ay isasara, ipagpapatuloy pa rin ang ilang proyekto ng pamahalaan sa naturang lugar gaya ng paglalagay ng mga sewage pipes.

Binigyang-diin ni Leones na ang pagsasaayos ng sewer lines ay isa lamang sa limang pangunahing problema na inaasahan ng tanggapan ng DENR sa rehabilitation period na kanilang gagawin.

Ilan pa sa mga suliranin na pagtutuunan ng pansin ay ang drainage system ng isla at ang bultong basura na nakukuha sanhi ng pagtatapon ng mga residente at ilang turista sa lugar, encroachments sa mga lupain at iba pa.

Naglabas na rin ang DENR ng orders to vacate para sa daan-daang establisimiyento dito habang nire-rehabilitate ang naturang lugar.