Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rehistro ng botante uli sa July 4

0 58

Inanunsiyo kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na muling bubuksan ang pagpaparehistro para sa mga nais maging botante sa Hulyo 4 hanggang 23.

Sinabi ni Comelec acting spokesperson Rex Laudiangco na inaprubahan ng poll body ang pagpapatuloy ng voter’s registration kaugnay sa nakatakdang halalang barangay sa Disyembre 5.

Dagdag pa ni Laudiangco, maiksi lang ang voter’s registration alinsunod sa Republic Act 8189 o The Voter’s Registration Act of 1996.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Under RA 8189, voter registration is prohibited within 120 days prior to elections,” ayon kay Laudiangco.

Sa ngayon, wala pa ring pinal na desisyon kung itutuloy o hindi ang halalang barangay sa Disyembre. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.