Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reichelt, Azkals kapos vs Thais

0 178

Tilapon ang national men’s soccer team kontra Thailand, 2-1, para maekis sa semifinals ng 13th ASEAN Football Federation Suzuki Cup 2021-22 Martes ng gabi sa Singapore National Stadium.

Unang umiskor si Teerasil Dangda sa pang-26 na minuto upang lumamang agad ang War Elephants.

Tinabla ni Patrick Reichelt ang Azkals sa 1-1 sa 57th minute, pero bumawi ang Thais mula sa penalty kick ni Dangda uli sa 78th upang makuhang muli ang lead at manalo.

Abante sa Final Four ang kampo ng winning squad na nanguna sa Group A.

Huling sipa ng mga Pinoy kontra Myanmar sa darating na Sabado. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.