Abante Tonite Interactive

Reject na manok

307

Magandang araw mga kasabong, may nag-PM po sa akin at tinatanong niya ako kung dapat bang mag alaga ng reject na manok?

Ang sagot ko dyan mga klasmeyt, depende po yan sa inyo. Kung bigtime breeder o cocker malamang sa ‘di na nila pag-aaksayahan ng panahon ang mga reject. Pero kung ‘di naman bigtime o sabungero ay maaaring alagaan pa o ilaban pa kasi nanghihinayang sila.

Pero kung ako ang tatanungin, alagaan na lang din kahit dagdag gastos, kung pagpisa ay makikita mo agad na may diperensya sa pakpak o kaya bulag ang isang mata eh hayaan na lang natin silang mabuhay, kasi yung iba puwede naman pakinabangan tulad ng medyo mababa.

Puwede nating ilaban sa mga tupada basta maayos ang paghahanda at hanapan ng magandang match.

Alagaan niyo lang basta kaya niyong tustusan ang kanilang pagkain, pero mga klasmeyt ang payo ko lang eh huwag mamigay ng reject dahil kayo rin naman ang mapipintasan sa bandang huli at baka maapektuhan ka pagdating ng panahon pag naisipan mong magnegosyo ng pagbebenta ng manok.

Pero kung hihingin nila yung manok mo na reject eh sabihin mo yung totoo para walang sisihan. May mga reject kasi na puwedeng ilaban pero dapat sa mga hackfight o tupada lang.

***

May ikakasang 2019 Luzon Breeders Cup / 9-Stag Derby / 2-Stag elims sa July 30 sa Dragon Cockpit sa Bgy. Tawiran Calapan City, Oriental Mindoro.