Abante Tonite Interactive

Reklamo ni Atty. Quicho sasagutin ni Koko

443

Hindi pa natatanggap ni Senador Aquilino `Koko’ Pimentel III ang inihaing reklamo sa kanya kaugnay ng kanyang paglabag umano sa quarantine protocol subalit nakatahanda naman siyang sagutin ito.

“Haven’t read it. Sana to be fair to me, he furnished me with a copy so I can answer/respond,” pahayag ni Pimentel sa kanyang mensahe sa mga reporter.

“DOJ I think will find a way to give me a copy. Bago kasi itong email filing I am not familiar with the procedure,” dagag pa nito.

Ginawa ni Pimentel ang pahayag matapos maghain si Atty. Rico Quicho sa Department of Justice (DOJ) ng reklamo kaugnay ng direktang paglabag nito sa RA No. 11332.

Kaugnay ito nang ‘non-diclosure ng kanyang health status at paglabag sa Luzon-wide enhanced community quarantine.

Sabi pa ni Quicho, may petisyon ding ginawa ang change.org na naglalayong kasuhan at patalsikin din ito bilang miyembro ng Senado.

Matatandaan na binatikos ng mga netizen si Pimentel dahil sa pagsama nito sa kanyang asawa sa Makati Medical Center kahit na naka-self-quarantine ito.

Noong araw din iyong nalaman ni Pimentel ang resulta na kanyang COVID-19 test kung saan siya ay positibo.

Kinondena din ng Makati Medical Center ang ‘irresponsible and reckless action’ ng senador. Humingi naman ng paumanhin ang senador ng kanyang maling nagawa. (Dindo Matining)

Tonite – Wendys Inhouse Ad