Abante Tonite Interactive

Reklamo sa ECQ aaksyunan agad ng JTF COVID Shield – Eleazar

637

Tinatayang nasa mahigit 1,500 mga tawag at text ang naaksyunan na ng Joint Task Force COVID Shield (JTF-COVID Shield) Hotlines.

Layon nitong maiparamdam sa publiko ang mas mabilis na pagkilos mula sa mga awtoridad ngayong umiiral pa rin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay JTF COVID Shield Commander at PNP Deputy Chief for Operations Lt.General Guillermo Eleazar, nasa 1,535 na kabuuang tawag ang kanilang natanggap mula noong Marso 18 hanggang Abril 5. Mula sa nasabing bilang, sinabi ni Eleazar na 939 rito ang may kaugnayan sa mga Authorized Persons Outside of Residence o APOR habang 178 dito ay patungkol naman sa mga Cargo.

May 418 tawag din umano silang natatanggap hinggil naman sa mga katanungan tungkol sa ECQ partikular na ang mga paglilinaw sa ipinatutupad na guidelines mula sa Inter Agency Task Force (IATF). Kung susumahin ayon Eleazar, nasa 1,207 tawag na kanilang natanggap ay pawang mga paglilinaw o kaya’y katanungan habang nasa 328 dito ay mga reklamo.

Dahil dito, umaapila si Eleazar sa publiko na tandaan ang kanilang Hotline Numbers na 0998-849-0013 para sa Smart users at 0917-538-2495 para naman sa mga Globe user. (Edwin Balasa)

Tonite – Wendys Inhouse Ad