Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reklamo vs korapsyon babaha sa eleksyon – Guevarra

0 191

Inaasahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na babahain ng mga reklamo ang anti-corruption task force sa sandaling magsimula na ang panahon ng eleksyon.

Kaya ngayon pa lamang aniya, pinaghahandaan na ng Task Force Operation Center ang pagsala sa mga reklamo para malaman kung alin ang mga karapat-dapat na imbestigahan.

Inihayag din ni Guevara na kamakailan lamang ay nagsimula nang makatanggap sila ng mga reklamo kaya puspusan ang ginagawang paghahanda ng Operation Center.

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ni Guevarra ng inter-agency task force para kalkalin ang mga katiwalian sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa nalalabing termino niya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.