Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rekomendasyong pagsibak ng PNP sa Jolo shootout kinatuwa ng AFP

0 140

IKINATUWA ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP) na sibakin nang tuluyan sa pwesto ang mga pulis na may kinalaman sa Jolo shooting incident.

“The AFP welcomes the reported recommendation by Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) to separate the perpetrators from the PNP service. And if ever that recommendation will be adopted, it is but an administrative penalty,” sinabi ng AFP sa isang pahayag.

“We are looking forward to the two-fold criminal and civil liabilities of those involved in the murder of our soldiers. We are waiting anxiously for that day that such verdict will be reached to begin from the filing of the cases, trial, and decision rendered by a competent court,” dagdag nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Noong Hunyo 29, apat na sundalo na tinutugis noon ang mga suicide bombers sa Jolo, ay pinatigil ng mga pulis sa Barangay Walled City.

Sa kabila ng pagpapakita ng mga rekititos at dokumento bilang mga sundalo, pinapunta sila sa istasyon ng pulis para maberpika ang mga pagkakakilanlan sa kanila

Nagkaroon ng pamamaril nang tumakas umano ang mga sundalo para matugis pa rin ang mga rebelde kayat pinaputukan sila ng pulis.

Ang apat na Philippine Army soldiers ay agad na namatay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.