Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rekord panalo ni Pringle

0 116

Binahagi ni PBA chief statistician Fidel Mangonon III ang ilan sa mga trivia sa 45th PBA Special Awards Night nitong Linggo.

Isa na rito ang Best Player of the Conference award, kung saan si Barangay Ginebra San Miguel star Stanley Pringle ang nagwagi sa parangal.

SM food to go Banner Ad

Pero dumaan sa butas ng karayom ang Gin Kings star laban kay Matthew Wright ng Phoenix Super LPG ang pinakadikit sa kasaysayan ng award.

“Hindi rin alam ng marami na ito ‘yung pinakadikit na laban sa BPC. Tinalo niya si Wright, 1,640-1,578,” ayon kay Mangonon sa ‘Factsbreak’ segment ng Sportalakan nitong Martes. “So difference lang ng 62 equivalent pts.,” aniya pa.

Huling naging dikit sa BPC race sa 2011 PBA Commissioner’s Cup nang ungusan ni Gilas legend Jimmy Apalag si Mark Caguioa ng 70 pts. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.