Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Relasyon ng sexy star, politican binida sa Usapang Showbiz

0 1,117

Ngayon pa lang ay gumagawa na ng malakas na ingay ang Usapang Showbiz nina Kuya Jay Machete at DJ Lara Morena sa 91.5 Win Radio.

Usap-usapan ngayon ng mga netizen ang pasabog ni Kuya Jay sa kanyang blind item tungkol sa isang sikat at seksing Youtuber na nakita raw sa Tagaytay kasama ang matagal nang nali-link sa kanya na politician.

Oo nga naman. Kahit na dine-deny ng dalawa na meron silang ugnayan ay hindi pa rin talaga namamatay ang isyu sa kanila. At lalo pa itong umingay nang binanggit ni Kuya Jay sa kanyang blind item na nakita ang dalawa sa Tagaytay.

Ano kaya ang ginagawa ni seksing Youtuber at ni politician sa Tagaytay sa panahon ng quarantine?

Para sa iba pang mainit na usapang showbiz, abangan sina Kuya Jay Machete at DJ Lara Morena mula Monday hanggang Friday, 4PM to 4:30PM sa 91.5 Win Radio.

Leave A Reply

Your email address will not be published.