Abante Tonite Interactive

Relasyong ‘Pinas, America lumabnaw — Palasyo

318

Nanlamig at hindi na kasing-init ng dati ang relasyon ng Pilipinas at Amerika.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos matanong kung ano na ang estado ng relasyon ngayon ng dalawang bansa matapos maharap sa ilang mga isyu.

Ayon kay Panelo, hindi na kasing-init gaya ng dati ang relasyon ng Pilipinas sa Amerika sa kabila ng matagal ng pagkakaibigan ng mga ito.
“Maybe we can say that its not as warm as before. It’s lukewarm,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na hindi lamang ang gina­wang pagkansela sa visa ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang dahilan kundi napuno na ang gobyerno sa Amerika dahil sa pakikia­lam sa panloob na usapin ng Pilipinas, pati na ang pambu-bully ng mga ito.

“As I said, this is accumulation of many factors and considerations. Because if you assail the sovereignty of one state, napakabigat iyun. ‘Di ba they have been intru­ding to our domestic affairs, bullying us,” dagdag ni Panelo.

Hindi naman aniya papayagan ng gobyerno na tinatrato ng Amerika ang Pilipinas nang basta-basta na lamang dahil hindi naman ganito ang pagtrato ng gobyerno sa mga Amerikano.

“We cannot allow it. Meanwhile, they are ha­ving privileges here and yet they are treating us this way, ‘di naman pupuwede iyan,” wika pa ni Panelo. (Aileen Taliping)