Abante Tonite Interactive

Relo ni Sharon nakaw eksena

0 900

Medyo okay na si Sharon Cuneta matapos maospital last Sunday dahil sa isang major eye irritation.

Caption ni Sharon sa larawan ng kanyang wrist na may hospital tag sa kanyang Instagram account, “Di ko pa pala natanggal itong hospital tag ko kagabi! My eye is better but still not normal. Last night parang tinutusok ng 2 karayom yung right eye ko jusko. Thank you so much for your prayers. Will cut these tags off na.”

Sa comment section ay marami pa ring nagpahatid ng “get well soon” messages but what’s so funny, ang dami ring nakapansin ng suot na diamond-studded Rolex watch na katabi ng hospital tag ni Shawie sa kanyang wrist.

“Gumaling na sana po kayo. Pero ang rolex, diamond studded. Galing din!!!” komento ng isang netizen.

“Yung watch yung napansin ko 🤭 feel better soon mama 😘 stay safe. Love you!” opinyon naman ng isa pa.

Sey naman ng isa pang follower, “dun aq sa relo nagulantang eh! Get well soon poh mamey sha… love you.”

Reaksyon pa ng isa, “OMG! The watch.”

Kim binalikan ang karanasan sa Batangas

Bukod sa mga taong naninirahan malapit sa Taal Volcano, ang mga kabayo sa nasabing lugar ang ipinag-aalala rin ni Kim Chiu dahil sa pagsabog ng bulkan.

Ayon kay Kim sa kanyang IG post, maraming kabayo sa ibaba ng Taal Volcano dahil ito raw ang sinasakyan ng mga turista paakyat sa crater. Kaya nag-aalala siya kung nasaan na ang mga ito ngayon.

“Last 2017 me and my team went to taal to see the beauty of nature.. we had a great time and the horses they played a big part as it is really hard to walk your way up to see the crater, the community there was so light, happy and vibrant everyone was so nice from our tour guide down to the residents and they gave us a one great unforgetable experience that we will never forget.

“But seeing what is happening right now, makes me wonder where are they now? How are the people? Are they being rescued? How about the more than 500 horses? That played a big role to all the tourist? Are they still alive?

“So many questions in my mind right now?… all we want is for all of them to be safe.. wherever we are right now, lets pray for the people in taal and living near taal and also the horses, animals to be safe, may the good lord cover them in safety and protection. We can’t control nature….. but anything can be possible through prayers,” ang post ni Kim na halata mong alalang-alala talaga.