Abante Tonite Interactive

Rematch kay Manny tuloy na? Floyd makikiumbagan na ulit

589

Lalaban uli sa susunod na taon si undefeated boxing champion Floyd Mayweather Jr.

“Coming out of retirement in 2020,” sey ni Floyd sa kanyang opisyal na Instagram account na @floydmayweather Biyernes.

Nakasagupa ni ‘Pretty Boy’ Floyd si ‘Pambansang Kamao’ Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao taong 2015 na binansagang ‘Fight of the Century’ o ‘Battle for Greatness’ kung saan naging pinakamabenta ito sa kasaysayan ng boxing.
Nanalo si Mayweather sa kontrobersyal na unanimous decision.

Taong 2017 naman ay hinarap rin ni ‘Money’ ang British Mixed Martial Arts (MMA) fighter na si Conor McGregor na isa rin sa bumenta sa takilya tapos tanghaling ‘The Money Fight’ at kanya itong napatumba sa 10th round na nagbigay sa kanya ng 50-0 win-loss record para malampasan ang historic record na nilista ni Hall of Famer Rocky Marciano na 49-0.

Kasalukuyang undefeated pa rin ang American-boxer at wala pa namang binibigay na pangalan o listahan ang TMT Promotions kung sino ang susunod na makakalaban ni Floyd.

Pero para sa maraming apisyonado senyales ito na maari pang mabuhay ang Pac-Floyd rematch. (Aivan Episcope)