Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Renewable Energy’ naitsa-puwera sa SONA

0 334

Tila naitsa-puwera umano sa isinagawang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga reporma sa kuryente, ayuda para sa mga konsyumer, at pagpapalago sa renewable energy bilang susi sa pagbangon ng mamamayan mula sa COVID-19, at sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino sa hinaharap.

Ayon kay Power for People Coalition (P4P) Convenor Gerry Arances, ikinalungkot nila na hindi napagtuunan ng Pangulo ang naunang direktiba niya sa Department of Energy (DOE) noong nakaraang SONA na bawasan ang paggamit ng bansa sa coal.

“There was no mention of a sanction on Secretary Al Cusi, whose ‘technology neutral’ approach was as an act of brazen disobedience to a direct presidential order. Power consumers all over the country are also certainly dissatisfied that, while the President did warn private electricity providers to serve end-users better, no satisfactory resolution was provided. There was no mention of Meralco’s bill shock, immediate power relief for consumers as they struggle with the economic dislocation caused by the pandemic, and the renegotiation of power supply agreements detrimental to consumers,” giit ni Arances.

Pinuri naman ng P4P ang pagkilala ng Pangulo na kayang-kaya ng ‘solar energy’ na mabigyan ng kuryente ang Last Mile schools, ngunit diniin ng grupo na hindi rin naman pahuhuli ang solar at iba pang renewable na enerhiya sa kakayahang magbigay ng kuryente sa mga pagawaan, kabahayan, at opisina sa mga siyudad, tulad ng coal o karbon.

Aniya, dahil dalawang taon na lamang ang natitira sa termino ng Pangulo, hindi na dapat umanong magpapatumpik-tumpik pa ang punong ehekutibo sa pagpapatupad ng reporma sa sektor ng enerhiya at paglipat sa mas malilinis na mapagkukuhanan ng kuryente.

“There is no time for us to wait for him to realize on his own the contradictions inherent in choosing an expensive and polluting power source which he himself concedes cannot provide what the country needs while claiming that the responsible use of natural resources is one of his non-negotiables,” dagdag pa ng Convenor ng P4P.

Leave A Reply

Your email address will not be published.