Abante Tonite Interactive

Renewal ng business permit sa Parañaque pinadali

By
456

Dahil sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, pormal nang inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Paranaqaue ang integrated business permit renewal system para mas mapadali ang serbisyo sa mga lokal at dayuhang investors.

Ang naturang programa ay tinaguriang Express Lane Operation (ELO), na base ito sa ilalim ng Republic Act No. 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018) na nilagdaan ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, ang paglulunsad ng naturang proyekto ay may positibong epekto sa ekonomiya ng lungsod dahil umaasa silang mas maraming negosyo ang magpaparehistro dito.

Abante Hiring – IT dep

Sa bagong programa ay hindi na aniya kailangan pang magtungo ang isang negosyante sa barangay para humingi ng clearance para sa i-a-apply nitong business permit.

“One of the salient features of Project ELO is the elimination of securing permits from the different barangays, previously a prerequisite before a Mayor’s permit is granted”, ayon kay Olivarez. Ang Project ELO ay matatagpuan sa bagong renovated na Taxpayers Lounge ng Business Permits and Licensing Office (BPLO).

Na kinabibilangan ito ng BPLO, Planning and Development Office, Office of the Building Official, City Health Office, City Treasurer’s Office, Liga ng Baranagay, the Bureau of Fire and Protection and the Philippine National Police.