Abante Tonite Interactive

Reno Aces sa cycle record

200

Isang bagay ang ginawa ng Reno Aces noong Lunes, record na walang nakagawa sa larong baseball sa nakalipas na 87 taon.

Naglista ang Reno – Triple-A affiliate ng MLB team Arizona Diamondbacks – ng 25 hits sa 25-8 win kontra Tacoma Rainiers.

Siyam sa hits na ‘yun ay galing sa bats nina Yasmany Tomas at Matt Szczur. Apat na home runs ang pinalipad ni Tomas, nakakumpleto ng cycle si Szczur.
Sa baseball, ‘cycle’ ang tawag kapag kumonekta ang isang batter ng single, double, triple at home run sa iisang laro. ‘Natural cycle’ ang tawag kapag magkakasunod itong nagawa.

Ayon sa ESPN, minsan lang nangyari sa major league ng baseball ang kombinasyon ng four-homer game at cycle sa iisang laro. Nangyari ‘yun nang makaapat na homers si Lou Gehrig at pumalo ng cycle si Tony Lazzeri para sa 1932 New York Yankees.

Inumpisahan ni Tomas ang harabas sa three-run hit sa bottom first. Nagdag­dag siya ng solo sa third, two-run homer pa sa fifth at isang solo homer ulit sa eighth. Una­ng­ Ace player si Tomas na nakaapat na long balls sa iisang laro.

Pinalipad naman ni Szczur ang una niyang home run sa unang salang sa plate. Naka-double siya sa fifth, single sa sixth at kinumpleto ang cycle sa triple sa seventh.

Dating miyembro ng Chicago Cubs si Szczur, kasama sa World Series champions noong 2016.(VE)