Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reno Liver Spread delikado

0 170

Naglabas ng panibagong babala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) hinggil sa mga produktong hindi umano dapat bilhin dahil hindi dumaan sa kanilang pagsusuri bago dinala sa merkado.

Sa inilabas na advisory ni FDA Director General Rolando Enrique Domingo, kabilang ang produktong Reno Liver Spread, Miracle White Advance Whitening Capsules Food Supplement, Turcumin, Desa Spanish Style Bangus in Corn Oil at Samantha’s Dips and Sauce Spanish Sardines Paste Sauce sa ipinagbabawal na kainin at inumin ng publiko dahil hindi umano nakakasiguro sa kaligtasan ng mga ito.

“Since these unregistered food products and supplements have not gone thorough evaluation process the FDA, the agency cannot assure its guality and safety,” ayon kay Domingo.

Nadiskubre umano ng FDA na walang Certificate of Product Registration (CPR) ang nabanggit na mga produkto sa isinagawang online monitoring at post marketing surveillance.

“Pursuant to the Republic Act No. 9711, otherwise known the Food and Drugs Administration Act of 2009,the manufacturer, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, non-consumer use promotion, advertising or sponsorship of health products without the proper authorization is prohibited,” ani pa Domingo.

Binalaan rin ni Domingo ang lahat ng establisimiyento na huwag magpamahagi, mag-advertise, o magbenta ng mga nasabing produkto kundi ay maykakaharapin silang parusa.

Inatasan rin ang mga law enforcement agency at mga local government unit na tiyakin na hindi maipagbibili sa merkado ang mga nabanggit na produkto.

Maging ang Bureau of Custom (BOC) ay pinagbawalan rin na papasukin sa bansa ang mga hindi nakarehistrong produkto.

Sa isa pang hiwalay na advisory ay kasama naman ang mga sumusunod na produkto sa ibinabala ng FDA: KM FOODS TUNA Chorizo, 225g; KM FOODS Tuna Bola-Bola, 250g; KM FOODS Tuna, Shanghai Rolls; MEMER FOOD DEALER Hot & Spicy Pure Sukang Tuba, 375ml; at PURE ORGANIC BY 3 BROTHERS Roasted Brown Rice Tea,100g. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.