Abante Tonite Interactive

Renz, grabe ang takaw

17

SAPUL ang mahihilig sa UNLI-RICE sa kuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo, pagkatapos ng Hay, Bahay! sa GMA.

Ang batang si Crispin (Renz Valerio) ang batang walang tigil sa pagkain ng matataba at matatamis.

Dahil sa sobrang katakawan, tuturuan siya ng leksyon ng isang mahiwagang magnifying lens.

Abante Hiring – IT dep

Mapapanaginipan ni Crispin na lahat ng mga candy at chocolate niya na malalaki ang size, kumikilos at hinahabol siya! Magigising siya sa sakit ng tiyan na susubukang gamutin ng kanyang ama (Simon Ibarra) at ina (Tina Paner).

Gumaling pa kaya ang sakit ni Crispin?

Matutunan kaya niya ang kaha­lagahan ng pagkain ng tama?