Abante Tonite Interactive

Renzo ‘sunog kilay’ sa thesis

303

Habang busy ang iba sa pagpapahasa sa basketball, ‘sunog-kilay’ naman ang graduating Sto. Tomas Growling Tiger sa UAAP na si Renzo Subido sa kanyang thesis o research paper.

Sa Instagram photo na in-upload ng playmaker nitong Sabado, sobrang busy hindi magkandaugaga ang cager sa thesis niya.

“Thesis in progress…,” caption pa sa litrato ni Renzo habang hawak ang laptop sa Twitter account nitong @renzosubido.

Marami naman sa mga netizen ang natuwa dahil bukod sa paglalaro ay hindi rin pinapabayaan ng basketbolista ang kanyang pag-aaral.

Ilan sa kanyang mga tagahanga ang nagpaabot ng kanya-kanya nilang mensahe upang makatapos ito sa pag-aaral, maabot ang hangad na karera gayundin ang professional basketball.

@joshuamigueeel: “Sana ol ‘di haggard ‘pag nagawa ng thesis.”
“Good luck sa thesis mo kuya Soy,” ani @itsfrancisrazon: “GOODLUCK SA THESIS MO KUYA SOY!”

@djxyeunice: “Go Renzo Subido! Subido yaaaaaaan!”

Todo paghahanda na rin ang 5-foot-7 guard para sa pagpapakita ng kanyang talento sa Maharlika Pilipinas Basketball League para sa San Juan Knights Go For Gold.

Na-draft din siya sa PBA ng NorthPort Batang Pier pero wala pang pirmahang nagaganap. (Aivan Episcope)