Abante Tonite Interactive

Reopening ng Boracay matatagalan pa — Cimatu

1,013

Posibleng dagdagan ng Departnent of Environment and Natural Resources (DENR) ang anim na buwang deadline sa rehabilitasyon ng Boracay dahil sa laki ng problema sa sewerage at illegal pipes sa isla na nanga­ngailangang maiayos nang mabuti.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, nasa 43 illegal pipe na ang kanilang nadiskubre at inaasa­hang madaragdagan pa ito sa mga susunod na araw sa pagpapatuloy ng kanilang ins­peksyon, sa dami umano ng iligal na koneksyon ay dagdag trabaho ito.

“Nakakagulat itong na­diskubre nating tubo na nasa dalampasigan kung saan madalas lumalangoy ‘yung mga turista,” pahayag ni Cimatu.

Ani Cimatu, on track naman ang kanilamg ginagawang trabaho sa Boracay gayunpaman ay irerekomenda niyang huwag munang buksan sa publiko ang Boracay kahit tapos na ang anim na buwang deadline kung hindi pa nasosolusyunan ang sewerage line.

Ipinaliwanag ni Cimatu na naglipana ang mga illegal pipe sa Boracay dahil ang mga estabsim­yento ay gumawa ng sari­ling linya kahit wala nang permit mula sa muni­sipyo.