Abante Tonite Interactive

Rep. Biazon sa RWM: Nasaan ang inyong fire compliant? 

By
9

Nais ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon na ilabas ng Resorts World Manila ang kanilang Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) kasunod ng pagbalik ng kanilang operasyon.

“Iyung mga tao namatay dahil sa smoke inhalation, so isa doon sa tinutukan natin na mga issue was iyung kung mayroong valid fire inspection safety certificate iyung Resorts World na wala sila noon.

So ang concern na lang natin ngayong nag-opened na ang Resorts World Manila, mayroon na ba silang permit?” pahayag ni Biazon na Senior vice Chairman ng House committee on national defense and security.

Ang FSIC ay isang pre-requisite bago isyuhan ng Occupancy Permit ang isang establishimento.

Naniniwala si Biazon na kung nainspeksyon ng BFP ang RWM ay maaaring hindi ganoon kalaki ang naging pinsala noong June 2 incident.

Matatandaan na sa naganap na RWM investigation ng Kamara ay inamin ng RWM na hindi nainspeksyon ng BFP ang RWM dahil nasa ilalim sila ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) subalit nanindigan si Biazon na mas may expertise ang BFP na mangasiwa sa mga fire safety.