Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Repasuhin ang proposed 2022 national budget

0 68

Budget season na naman.

Sa Kamara nagsisimula na ang budget hearing habang sa Senado naman, bini-brief na ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang Senate finance committee na pinamumunuan ni Sen. Sonny Angara tungkol dito.

Hindi pa nagsisimula ang budget hearing sa Senado, marami na agad napuna ang ilang senador na hindi kaaya-aya sa kanilang paningin. Mula sa dating P392 milyong badyet ngayong 2021, magiging P223 milyong na lang ito dahil binawasan nga ito ng P170 milyon. Katiting na nga binawasan pa.

Samantala, mula sa P16.4 bilyon ngayong taon, ipinanukala ng Malacanang na itaas ang badyet ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa P28 bilyon sa susunod na taon. Sadyang napakalaki, malayong-malayo sa pondo ng sa RITM.

Medyo mapapaisaip ka rin, bakit? Kaya nga tila napika si Sen. Nancy Binay dahil ano nga ba ang importante sa ngayon ang ELCAC o ang RITM. Hindi ko na rin maisip na bakit kailngang bawasan eh nasa gitna pa rin tayo ng pandemya. Patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso dahil sa Delta variant.

Sa panahon ngayon, kailangan ng bansa ang reliable at stable ng lead center para sa laban natin sa pandemya. Dapat palakasin pa lalo ang mga public health service institution hindi pahinain. Huwag naman sanang ganoon.

Isa pa sa nasilip ng mga senadopr 2022 budget proposal ay ang kwala ng sapat ng pondo para sa mga sa mga ‘essential item’ na makakatulong sa matagumpay na pagharap ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Halimbawa na lang diyan ang benepisyo para sa mga health care worker, ayuda sa mga mahihirap at ang paglagay lang sa vaccine booster shots sa ilalim ng ‘unprogrammed appropriations’.

Sabi nga ni Sen. Risa Hontiveros, masyado raw disconnected ang budget na ito sa realidad ng pandemya. Taman ga naman dahil andiyan pa rin ang banta ng pandemya sa susunod na isa hanggang dalawang taon.

Tama lang naman siguro na paglaan ng pondo para mabigyan ng insidentibo ang mga health care worker natin dahil sila ang nagungun laban sa bansa kontra pandemya. Paglaanan naman sana ito huwag balewalain.

Isa din sa nasilip ni Hontiveros ang kakulangan ng pondo para sa mga bagong mahihirap na pamilya na karapat-dapat na mapabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pabor naman ako na dagdaga ang pondo para dito dahil nadagdagan pa ang maraming mahihirap na pamilya sa gitna ng pandemya. Mas kailangan nila ito ngayon lalo naapektuhan din ang kanilang kabuhayan dahil pandemyang ito.

Isa pa diyan ang service contracting na hindi man lang daw pinaglaanan ng pondo gayidn ang budget sa booster shots na inilagay sa ‘unprogrammed appropriations”. Ibig sabihin, hahanapan pa ito ng pondo.

Mahalaga ang booster shots para mailigtas ang buhay ng mga Pilipino, ay nasa bingit ng alanganin. Pero sa tingin ko naman, mababago pa yan dahil tiyak kong ang ating mga mababatas ay hindi papayag na hindi mapondohan ang mga bagay na higit na kailangan sa panahon ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.