Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reperi, mga kasama sa bubble negatibo

0 262

Clark Smart Giga City – Nakahinga ng maluwag ang PBA nang makumpirmang negative sa COVID-19 ang referee na unang iniulat na positive sa virus.

Mananatili muna sa Athletes Village sa Capas, Tarlac ang game official, ayon kay Sec. Vince Dizon at tatapusin muna ang natitira pang limang araw ng isolation na itinakda ng DOH.

Martes nang lumabas ang resulta na suspected case ang referee, kinabukasan ay inilabas ng bubble sa Pampanga Freeport Economic Zone. Sinailalim ulit sa antiget at RT-PCR tests na parehong nag-negative.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

“All close contacts were tested last Thursday, October 22,” pahayag ni deputy commissioner Eric Castro. “All the referees tested negative, all the PBA staff were negative also.”

Pati ang 40 personnel ng Quest Hotel, kasama ang media na nasa loob, ay negative sa confirmatory tests.

Pagkatapos ng isolation ay puwede nang bumalik ng bubble ang referee.

“But he will go thru the re-entry protocols, which, again, involves antigen testing. Susundin natin at hindi tayo magso-shortcut sa protocol,” giit ni Dizon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.