Abante Tonite Interactive

Reporma sa HIV/AIDS prevention pasado sa Senado

By
840

Lusot na sa Senado ang panukala na magpapatupad ng reporma sa mga polisiya sa pagkontrol sa Human Immunodeficiency Virus Infection at Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV/AIDS).

Inaprubahan sa 3rd and final reading ng Senado ang Senate Bill 1390 nina Senator Risa Hontiveros at Senator ­Joseph Victor Ejercito.

Alinsunod sa panukala, magpapatupad ng pagbabago sa Republic Act 8504, o “Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998,” upang isama na ang mga natuklasan sa mga kasalukuyang pagtrato sa HIV cases at isama rin ang mga bagong evidence-based, human rights-informed at gender transformative strategies upang maiwasan ang epidemya.

Nakasaad sa panukala na mandato ng gobyerno na palawakin ang access sa HIV services lalo na sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pondo sa HIV prevention, diagnosis at treatment, at pagsasagawa ng up-to-date education hinggil sa HIV at AIDS sa mga paaralan, komunidad, mga lugar ng trabaho at iba pang vulnerable areas.