Abante Tonite Interactive

Report ni Gordon laway lang hangga’t walang pirma ang komite – Ping

By
2,102

Minaliit lamang ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang resulta ng imbestigasyon ni Senador Richard Gordon hinggil sa kontrobersya sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Nanindigan si Lacson na hangga’t hindi ito pinipirmahan ng mga mi­yembro ng Senate Blue Ribbon committee, walang silbi ang report ni Gordon.

Nagsayang lang ng laway si Gordon sa pagpapaliwanag ng nilalaman ng kanyang report kung hindi naman ito pipirmahan ng mga senador.

Kinontra din ni Lacson ang rekomendasyon ni Gordon na kasuhan si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino sa P3.5B deal sa Sanofi Pasteur, ang kompanyang gumawa ng Dengvaxia, noong kanyang administrasyon.

“I haven’t read the draft as it is still a draft and probably not the committee report to be routed among the committee members. What I’m invoking is my personal belief based on my personal experiences about the former president having worked with him both in the Senate and in the Executive.” ani Lacson na nagsilbi bilang presidential assistant for rehabilitation and recovery noong Aquino administration.

Nanindigan naman si dating Pangulong Aquino na hindi uurungan ang ano mang dagdag na kasong isasampa laban sa kanya kaugnay sa kontrobersiya ng mga biniling Dengvaxia vaccines.

Kasunod ito ng naging rekomendasyon ni Gordon na dapat kasuhan ng technical malversation sina da­ting Pangulong Aquino, dating Budget secretary Florencio Abad, dating Health secretary Janet Garin at iba pang opisyal at mga dating opisyal.

“Former President Aquino has always demonstrated his readiness to answer questions about his decisions as president. His consistent participation in legislative investigations and other venues shows this. He will continue to face whatever additional complaints are filed in connection with this matter,” ayon sa statement na ipinalabas ng tagapagsalita ni Aquino na si Atty. Abigail Valte.