Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reporter kinulong, 5 sa MPD sibak

0 320

Tinanggal sa kanilang puwesto ang limang pulis-Maynila na nasa likod umano ng pang-aabuso sa isang radio reporter matapos arestuhin at ikulong ng may 21-oras sa detention cell ng mga criminal kamakalawa sa Manila Police District – Police Station 10 sa Pandacan, Maynila.

Nabatid na kabilang na ni-relieve ni MPD Director PGen Leo Francisco sa tungkulin habang isinasailalim sa imbestigasyon sina PLT Joel Piñon, Beata PCP commander PSMS Jonathan Hernandez, PCpl Charles Bronson De La Torre, Patrolman Marvin Anthony Comboya at Patrolman Jonathan Abad.

Nag-ugat ito sa reklamo ni Loren Tanjoco, reporter at anchorman ng Radyo Pilipinas 1 nang arestuhin ito matapos parahin at sitahin dahil walang suot na facemask habang nagmomotorsiklo.

Nahulog umano ang suot nitong mask at nang magpakilala na media at kuhanan ng video ang kaganapan ay nauwi sa pagtatalo.

Ayon kay Francisco, hindi dapat ikinulong si Tanjoco. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.