Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reporter na-stroke sa trabaho

0 109

Umaapela ng tulong ang pamilya ng isang lokal na reporter mula sa Calamba, Laguna matapos na ma-stroke sa kasagsagan ng ginawang coverage kay Manila Mayor at presidential aspirant Isko Moreno nitong Biyernes sa Calamba at Cabuyao.

Nabatid na ang grupo ng mamamahayag ay nagtanghalian sa isang Chinese restaurant sa Calamba nang makaranas ng pagsama ng pakiramdam si Dick Garay, 58, local reporter sa Laguna ng Police Files at Business Mirror.

Kaagad namang isinakay ng mga staff ng restaurant si Garay at isinugod sa Calamba Hospital para malapatan ng agarang lunas.

Sanhi ng nangyari kay Garay, nanawagan siya ng tulong sa alkalde bilang panustos sa kanyang pagpapagamot. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.