Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reporter nag-f*** y**, LeBron atbp kumampi

0 295

Bumuhos sa Twitter ang suporta ng NBA players kay Adrian Wojnarowski na napaulat na sinuspinde ng ESPN dahil sa “f*** you” email kay Missouri Sen. Josh Hawley.

Sumulat si Hawley kay NBA commissioner Adam Silver para ireklamo ang social justice messages na puwedeng gamitin ng NBA players sa likod ng kanilang jerseys.

Sumagot si Woj sa press release ng tanggapan ni Hawley.

Nag-sorry si Woj sa publiko at sa mga kasamahan niya sa ESPN, pero tuloy ang suspension ng dalawang linggo.

Sa Twitter, pinainit ng NBA players ang #FreeWoj hashtag para suportahan ang veteran NBA reporter.

Nanguna sa pagbibigay-suporta sina LeBron James ng Los Angeles Lakers, Lou Williams at Patrick Beverley ng Los Angeles Clippers, Enes Kanter ng Boston Celtics, Anthony Tolliver ng Memphis Grizzlies;

Jamal Murray ng Denver Nuggets, Myles Turner ng Indiana Pacers, Bam Adebayo ng Miami Heat, Goldean State Warriors rookie Eric Paschall, at free agent Isaiah Thomas. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.