Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Reporter tinumba sa haybol

0 180

Mariing kinondena ng Pampanga Press Club ang karumal-dumal na pagpatay sa isang kasapi nilang si Jess Malabanan, Miyerkoles ng gabi sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay San Joaquin, Tinambacan District, Calbayog City, Samar.

Ayon sa kanyang asawang si Milagros, kapwa sila nanonood ng telebisyon nang may lalaking tumawag sa biktima sa labas ng kanilang bahay, dakong alas-6:30 kahapon ng gabi.

Lumabas umano ng bahay si Malabanan para kausapin ang tumawag sa kanya nang bigla siyang barilin ng suspek sa ulo na naging resulta ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon pa kay Milagros, agad na tumakas ang salarin sakay ng isang motorsiklo.

Ang biktima ay isang beteranong reporter at kasalukuyang sumusulat sa pahayagang Manila Standard at Reuters.

Si Malabanan ay tubong Samar pero nakatira sa Pampanga. Umuuwi siya sa Samar tuwing buwan para bisitahin ang kanyang asawa na siyang namamahala sa kanilang negosyo sa nasabing probinsya. (Rudy Abular)

Leave A Reply

Your email address will not be published.