Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Request na bakuna sa mga ‘influencer’ tablado

0 78

Hindi inaprubahan ng mga adviser ng pamahalaan ang proposal na unahin ding bakunahan ang ilang personalidad o mga ‘influencer’ upang mapalakas ang kumpiyansa ng publiko sa mga bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “Tatapatin ko po kayo, kami po sa IATF ay nag-propose na mga 50 bakuna ireserba para sa tinatawag nating ‘influencers’ para mapaigting natin ang ating vaccine confidence. Hindi po sumang-ayon ang NITAG at ako’y sumusunod naman.”

“Ang emphasis nila, kung anong meron, ibigay muna sa medical frontliners,” dagdag niya.

Kabilang umano sa mga influencer na ito ay iba pang opisyal ng gobyerno, media personality at celebrity. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.