Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ganti ni Fox, Kings parating

0 230

Parating sa Orlando ang reinforcements ng Sacramento Kings – dalawa sa tatlong players na nag-positive sa coronavirus.

Kinumpirma ni Kings coach Luke Walton noong Lunes na nabigyan na ng clearance ang dalawa at bibiyahe para samahan ang teammates sa Disney World Campus.

Hindi tinukoy ni Walton kung sino sa tatlong positive players ang nabigyan ng clean slate sa magkasunod na testing.

Apat na miyembro ng team ang unang sinabi na hindi nakasama sa biyahe.

Kinumpirma nina Kings shooting guard Buddy Hield, center Alex Len at forward Jabari Parker na positive sila sa coronavirus.

Hanggang nitong Linggo, 13 players ng Kings ang nasa Orlando sa pangunguna ng astig na si De’Aaron Fox. Nag-practice na ang team noong Biyernes, inaasahang sasalang sa una sa tatlong srimmages sa July 22.

Babalatan ng Sacramento ang walong seeding games sa July 31 laban sa San Antonio Spurs. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.