Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Resbak ni Gerald sa buntis isyu: Congratulations to me

0 120

Pinaniniwalaang buwelta ni Gerald Anderson ang nakalagay sa kanyang IG story na “Congratulations to me”. Sagot umano ito sa pekeng balita ni Jay Sonza na umano’y buntis si Julia Barretto at siya raw ang ama. Mukhang nang-asar na lang siya sa kanyang reaksyon.

Makikita rin sa kanyang Instagram account ang ilang scene sa kanyang seryeng “A Soldier’s Heart”.

May caption ito na “Sa panahon ngayon na ang bilis kumalat ng FAKE NEWS. Akala ko magiging FAKE NEWS din ang a soldier’s heart.”

Talbog!

Dennis umalma kay Sonza

Nag-react din si Dennis Padilla, ama ni Julia sa preggy issue.

Sa panayam ni Dennis sa DZMM TeleRadyo inurirat daw siya ni Ruffa Gutierrez sa nasabing isyu. Pero malakas ang paniniwala niya na hindi true dahil hindi naman nagte-text sa kanya si Julia. Tapos nakita na raw niya sa IG ng anak na fake news talaga.

Hirit pa ni Dennis, sana raw ay klinaro ni Jay ang isyu bago nag-post at nag-comment

Kulang daw sa coordination si Jay sa parents at kay Julia bago nagpasabog.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung si Dennis ang masusunod hindi na raw kailangang idemanda si Jay pero kailangan daw itong mag-apologize.

Boom!

Alden may sorpresa sa 10th anniversary

Mukhang may inihahandang sorpresa ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para sa kanyang mga tagahanga kasabay ng kanyang 10th anniversary sa showbiz.

Inanunsyo ito ni Alden sa pamamagitan ng isang Instagram post: “Malapit na tayong magkasama uli! Save the date: Dec 8! #AldensReality #AldenRoadToTen.”

Samantala, isa si Alden sa mga celebrity ambassador ng “Bida Ang May Disiplina” campaign ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), at mga pribadong grupo. Ayon kay Alden, nais niyang magamit ang kanyang impluwensiya para makatulong na matuldukan ang COVID-19 crisis sa bansa. Layunin ng kampanya na ituro at ipaalala ang wastong pag-iingat laban sa virus.

DongYan todo lambingan sa bakasyon

Nilanggam ang social media sa recent posts ng Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera .Ipinasilip nila ang naging quick getaway sa isang wellness facility sa Batangas.

Matapos ang naging lockdown taping ni Dingdong para sa ‘Descendants of the Sun’ PH, finally ay nagkaroon na sila ng alone time ng kaniyang asawa. Marami ang kinilig sa caption ng aktor sa kanilang selfie ni Marian sa Instagram na, “Malinis na hangin, mga puno, sariwang gulay, mainit-init na tubig…at ikaw. Huwow! A much needed relaxation with some medical treatments in this well-loved place.”

Ang sweet!

Leave A Reply

Your email address will not be published.