Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Resbakuna on Wheels

0 354

Kanya-kanyang diskarte ang mga lokal na pamahalaan para mapabilis ang vaccination program ng national government. Sunud-sunod na ring nagdadatingan ang suplay ng bakuna kontra Covid-19. Ang problema, paano ibababa ang vaccine supplies sa pinakamalalayong lugar sa Pilipinas?

Dito sa Metro Manila at mga karatig-probinsya, sa mga mall karaniwang isinasagawa ang vaccination. Dahil maluwag, mas komportable ang mga residente sa pagpapabakuna rito lalo pa’t mahabang proseso ang pagdaraanan bago ang aktuwal na pagtuturok ng bakuna kontra Covid-19.

Dito sa amin sa bayan ng Tanza, Cavite, bukod sa mall at ilang ospital – mga healthcare worker na mismo ang pumupunta sa mga residente sa pamamagitan ng Resbakuna on Wheels. May ipinupuwestong vaccination van ang LGU Tanza sa mga piling barangay para hindi na umalis pa ng kani-kanilang mga lugar ang mga magpapabakuna.

Target ng Resbakuna on Wheels ang mga senior citizen na hirap nang maglakad, pati na rin ang mga person with comorbidity at PWDs. Sa hangaring mailapit sa mga tao ang bakuna kontra Covid-19, mas lumalawak ang coverage ng vaccination sa bansa.

Laking pasasalamat ng mga may edad at kapansanan na hindi na nila kailangan pang magpunta sa mall o ospital para makapagpaturok ng bakuna.

SM food to go Banner Ad

Dito sa Tanza, mahigit 180,000 ang target na mabakunahan ng lokal na pamahalaan. Pero sa ngayon, wala pa sa sampung libo ang natuturukan. Malayu-layo pa sa inaasam-asam na bilang. Kaya patuloy sa pag-iisip ang LGU pati na ilang pribadong kumpanya para mahikayat ang mga residente na magpaturok ng bakuna.

Ang SM Rosario sa kalapit-bayan ng Tanza, may iniaalok na P200 off sa selected items para sa mga consumer na ‘fully vaccinated’. Kailangan lang i-present ang vaccination card bilang pruweba na nakapagpabakuna na nang 2 doses. Tatagal ang promo na ito sa buong buwan ng Hunyo.

May ilang restaurants at fastfood chains na rin na nag-aalok ng diskuwento sa mga nakapagpabakuna na ng Covid-19 vaccine.

Sa totoo lang, huwag tayong masilaw sa mga promo at diskuwentong hatid ng pagpapabakuna. Ang dapat nating tingnan, ‘social responsibility’ natin ito bilang tao, bilang isang Pilipino. Importante na magpabakuna para ‘one step closer’ tayo sa herd immunity. Ika nga rito sa amin, ang bakunadong Tanzeño, protektado!

Leave A Reply

Your email address will not be published.