Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Residente sa Payatas danger zone nilikas

0 133

Nilipat na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang ilang pamilya na nakatira sa Sampaguita Extension sa Payatas na idineklarang danger zone matapos na mawasak dahil sa landslide na dulot ng nagdaang bagyong ‘Pepito’.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, anim na pamilya mula sa kabuuang 25 pamilya ang nailikas na sa relocation site sa Housing Project No. 17 na matatagpuan din sa nasabing barangay. Nakikipag-ugnayan na rin umano ang lokal na pamahalaan sa National Housing Authority para sa relokasyon ng 19 pang nalalabing pamilya.

Kinordon na ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang lugar upang hindi na bumalik pa ang ni-relocate na pamilya. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.