Abante Tonite Interactive

Residenteng walang lote at bahay, prayoridad ni Lim

315

Sinabi kahapon ng nagbabalik na Manila Mayor Alfredo S. Lim na ang pagbibi­gay ng mga lote at bahay para sa mga residente na wala sa mga ito ang isa sa kanyang mga prayoridad sa oras na siya ay makabalik na sa Manila City Hall.

Sa isang ugnayan kasama ang mga residente mula sa una at ikalimang distrito ng lungsod, kung saan kasama ni Lim ang kanyang mga kandidato para Konsehal na sina Paul Almario dela Cruz (first district) at Benigno Addun, Jr.

(fifth district), sinabi ni Lim na ang ‘land for the landless program’ na kanyang sinimulan noong kanyang ikatlong termino (2007) ay magpapatuloy.
Sa ilalim ng nasabing programa, nagpamahagi si Lim ng certi­ficates of lot awards sa mga ‘deserving Manilans’ na naninirahan sa mga barong-barong kaya umabot sa libu-libo ang bilang ng pamilya na nakinabang sa naturang programa bago umalis si Lim ng City Hall noong 2013.

Abante Hiring – IT dep

Kaugnay nito ay sinabi ni Lim na magiging abala din ang kanyang administras­yon sa pagsasagawa ng high-rise housing projects upang ang mga walang sariling taha­nan ay magkabahay. Tiniyak din niya na anumang housing relocation ay ipatutupad sa isang pamamaraan kung saan hindi malalayo sa hanapbuhay ang mga residente.

‘Kung saan kayo nakatira, malapit dun tayo maghahanap ng mapagtatayuang mga housing project, hindi ‘yung dadalhin kayo sa malalayong probinsiya dahil nauunawaan ko na narito sa Maynila ang inyong kabuhayan,’ ani Lim.