Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Respeto sa mayorya ng POC – Go, atbp

0 165

Humiling ang mayoryang miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board ng isang espesyal na pagpupulong upang pag-usapan at linawin ang pagpapakilala sa kanilang personahe na binansagang “Group of Seven”.

Ipinaalam ito mismo nina World Archery Philippines (WAP) president Jesus Clint Aranas, Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI) president Jose Romasanta, Wushu Wushu Federation Philippines (WFP) sectary general Julian Camacho , Billiard and Sports Confederation of the Philippines (BSCP) secretary general Robert Mananquil at Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation (PCKDF) president Jonne Go sa isang online press conference upang ituwid ang mga isyu na bumabalot sa POC.

“We considered it unfair,” ani Aranas, na isa sa mga director ng POC. “We were there for business, and suddenly we got that “slur”. We can’t take that, we were mislabeled, it cast a shadow on the credibility of the people mentioned.”

Ikinadisyama ng grupo ang pagbabansag sa kanila na magkakasama sa tinaguriang “Group of Seven” kung saan inihayag nito na wala sila mismong itinatago at kanila lang na ginagampanan ang tungkulin base sa POC Executive Board meeting. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.