Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Respeto

0 358

Palala nang palala ang social media na parang lahat na lang puwedeng sabihin, lalo na nang mga nakakababa ng moral ng mga kababaihan.

Nabalitaan ko ang tungkol sa isyu ng kaibigan ko at kasintahan ng kapatid ko na si Sunshine Cruz, at ang kanyang mga anak na babae.

Nakakalungkot lang at nakakapikon din naman na pinagiisipan ng kalaswaan sina Angelina, Samantha at Cheska ng mga kung sinu-sino.

Sa panahong ito, nakakapanglumo na wala nang respeto ang ilan, lalo na ang mga lalake sa mga babae, na ang tingin ng mga ito ay parang puwede na nilang babuyin.

Hindi po basehan na pag nagpost ka nang bikini photos mo ay nagi-imbita ka na nang sexual desires sa mga kalalakihan.

Depende po sa lugar at depende sa kung ano ang itsura mo sa larawan.
Kung ang isang babae ay nagposte ng kanyang swimsuit photo na nasa pool o tubig, hindi ito malaswa.

Ang sinumang babae na nagposte ng kanyang sexy photos ay hindi nangangahulugang isa na syang maruming babae o pwede mo syang babuyin sa iyong mga salita.

Ano ba ang intensyon ng mga babae kung bakit sila nagpu-poste ng kanilang bikini photos sa social media?

Sa aking palagay ay hindi para ipangalandakan ang kanilang kaseksihan o katawan, kundi para magkaroon ng ala-ala sa araw na yun ng kanilang ginagawa.

Kahit wala pang social media, kahit black & white pa ang larawan noon, polaroid, instamatic camera, automatic camera may mga nagpapakuha na nang larawan nang nakabikini.

Walang mali sa mga babaeng nagpu-post ng kanilang bikini pics sa social media. Ang mali ay ang pagisipan mo ng kung anu-anong kalaswaan ang babae.

Maari ka namang humanga sa ganda at kaseksihan ng isang babaeng na-view mo sa socmed, pero hindi yung pagisipan mo ng kung anu-anong kabababuyan .

Sana naman doon sa mga taong nagiisip nang kalaswaan, isipin nyo ang inyong mga ina, ang mga kapatid nyong mga babae.

Kung paano nyo pinagiisipan nang masama at kalaswaan ang mga babaeng nakikita nyo sa social media, nang nakabikini o kahit nakadamit, isipin na lang nyo ang inyong mga nanay, kapatid at sinumang babaeng malapit sa inyong buhay.

Alalahanin nyo isang malaking kasalanan ang mag-isip ng kahalayan sa kahit na sinong babae, base sa mga kautusan at salita ng Diyos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.