Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Responsable sa mga brownout panagutin – P4P

0 261

Nanawagan ang Power for People Coalition na panagutin na ng Department of Energy at ng Energy Regulatory Commission ang mga responsable sa kung bakit nagka-brown out sa Luzon, at bantayan ang posibleng pagsirit muli ng bill sa kuryente ng mga consumer.

Kahapon ang pangatlong sunod na araw na nagdeklara ng red alert sa Luzon grid dahil sa kulang na suplay ng kuryente.

SM food to go Banner Ad

Ngayong nakararanas na naman ang Luzon ng red alert – ang unang mga red alert simula noong Hunyo 2019 – nakatatak sa alaala ni P4P convenor Gerry Arances ang bill shock kaya nagbabala ang grupo laban sa mga plantang mahal maningil pero hindi naman sulit ang bayad.

Dagdag ni Arances, matagal nang nagdurusa ang mga consumer sa ganitong kalagayan sa kuryente at dapat na aniyang kumilos ng DOE at ERC laban sa mga kompanya at plantang responsable rito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.