Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ressa utak ng unang sibakan sa Dos

0 397

Sariwa pa sa alaala ng batikang mamahayag na si Joey Falcon kung paanong tinanggal sila sa ABS-CBN noong 2005.

Sa Facebook post ni Falcon, dating dzMM Radyo Patrol reporter, ibinahagi nito ang kuwento ng pagsibak sa kanila gayong tinuring aniya silang `heroes’ ng istasyon.

Kasama umano sila sa grupo na muling nagbangon sa ABS-CBN nang maibalik ito sa mga Lopez noong 1986 matapos ipasara sa panahon ng martial law.

Aniya, tinuring silang bayani ng kompanya, kabilang na ang dating ABS-CBN chairman na si ‘Kapitan’ Geny Lopez.

Ngunit taong 2005 ay bigla silang nakatanggap ng masamang balita kung saan 300 regular employee ang pinag-file ng resignation o early retirement, kung saan ang dating head ng ABS-CBN news division na si Maria Ressa ang isa umano sa utak kung bakit sila sinibak.

“Redundant daw kami, eh kami ang nauna. At may cost cutting daw kaya inuna kami na matataas ang sahod,” ani Falcon.

“Sa araw ding iyon may “walking papers” na kami, with some amount of compensation, with the warning na hindi kami pwedeng mag-apply sa ibang company within one year,” aniya pa.

Sa parehong post, pinatamaan din ni Falcon ang mga nagpoprotesta ngayon sa ABS-CBN shutdown dahil dapat umanong sisihin ang mga nagpabaya at hindi ang mga nasa puwesto.

“Pero after 15 years, heto buhay pa rin kami. Kahit hindi kami “nagpaawa” effect, hindi kami nag-drama na parang telenovela. Huwag na tayong manisi ng ibang tao o ng gobyerno,” giit pa nito. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.