Abante Tonite Interactive

Ressa ‘wag kang pabebe, ‘di ka special – Panelo

Mga backer abroad ‘misinformed’

By
208

Binigyang-diin ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na walang diskriminasyon sa batas at walang kinikilalang social status kung kaya’t hindi uubra ang special treatment kay Rappler chief exe­cutive officer ­Maria ­Ressa kaugnay ng kinakaharap nitong cyber libel case na isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

“You have to be ­woman enough to face the complaint against you. Stop blaming the government, in the same way that the case filed against you relative to tax evasion – that has nothing to do with your work as a journalist,” ani Panelo.

Ipinunto ng kalihim na walang kina­laman ang gobyerno sa kinakaharap na kaso ni ­Ressa dahil isang ­pribadong mamamayan ang nagsampa ng cyber libel case sa ­kanya.

Sa iginiit umano na hindi pa sakop ng ­cyber law ang artikulong nilabas ng Rappler dahil hindi pa epektibo ang naturang batas nang lu­mabas iyon ay nasa korte na ang pagpapasya para resolbahin ang ­legal issue.

“Maria Ressa just wanted a full media play on her dramatics. She appears to be enjoying the situation she is in, her body language says so,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na hindi makikialam ang administrasyon sa kaso ni Ressa.

“If your perception on the decision of the DOJ’s law, there are ­always legal remedies available to you, your lawyers know that. Let your lawyers do the talking for you,” ayon pa kay Panelo.

Nagbigay din ng ­komento si Panelo hinggil sa suportang nakukuha ni Ressa mula sa ibang bansa.

“Well, the support obviously is coming from those who have been either ignorant of the facts or misinformed of the facts. They should have look at the complaint. Because the feeling is she was just arrested, pickup at the wrong time. But if you look at the facts, all were done in accordance with the law. What she wants is she wants to be treated differently – that cannot be done,” ani ­Panelo.