Abante Tonite Interactive

Ressa walang alam sa war zone!

199

Rappler CEO na-fact check ng NPC

Binuweltahan kahapon ng National Press Club of the Philippines (NPC) ang Chief ­Executive Officer ng Rappler online na si ­Maria Ressa na itigil na ang kanyang ­‘story telling’ kung saan inilarawan nito ang ­Pilipinas na masahol pa sa war zone na ­malayo sa katotohanan.

Sa halip, dapat na umakto umano si ­Ressa bilang isang totoong journalist kung talagang gusto niya na ang kanyang media entity na pinondohan ng dayuhan ay seryosohin.

“While the NPC upholds and recognises the importance of a free-flow of ideas and opinions in a democracy, we must also put our foot down against Ms. Ressa’s statements last November 10 during an interview in the ‘60 Minutes’ program of CBS (USA) where she described the Philippines as ‘worse than any war zone’ she has ever been,” ayon sa­ ­pahayag ng NPC.

Sa panayam ng ‘60 Minutes’ kay Ressa ­inamin nito na hindi pa siya nakapagkober sa war zone mula nang maging isang ­journalist at sinabing nanonood lamang siya ng mga war coverage ng CNN.

“We have to put our foot down over this statement because, clearly, this is a ­slander to our country and to all peace-loving, ­law-abiding Filipinos, those in the media ­included,” dagdag pa ng NPC.

Kinuwestiyon din media group kung tama ang mga detalye ni Ressa at ang ­kanyang ­geography dahil hindi naman Mexico ang Pilipinas.

Hinamon pa ng NPC si Ressa na ­sabihin nito ang naging karanasan bilang isang mamamahayag at kung saang lugar sa ­bansa o ng mundo ang kanya nang ikinober ­bilang basehan ng kanyang pagkukumpara para sabihin niya na ang Pilipinas ay isang war zone.

“Insofar as the NPC is concerned, none of its officers or members had been with Ms. Ressa in covering even the police beat, much more in any of the conflict areas of Mindanao and Luzon in previous years, ayon pa sa NPC.

“The only time most local journalists ­remember seeing Ms. Ressa inside a ­police ­station was when she was booked for ­libel filed by a private complainant based on a ­court-issued warrant and for her ­other ­violations of our ­securities and tax laws, ­violations that cover everyone,” punto pa ng NPC.

Matatandaan na noong 2018, ay ­nagpalabas din ng pahayag ang NPC na ­nagpapaalala kay Ressa at sa Rappler na ­sundin ang rule of law.

Ito ay matapos na madiskubre ng ­Securities and Exchange Commission (SEC) na ang Rappler at si Ressa ay tumanggap ng milyong pondo mula sa mga dayuhang grupo para sa kanyang online news na isang ­paglabag sa batas.

“As for Ms Ressa, she should stop ­abusing her status as a ‘journalist’ to gain pity and ­escape prosecution for her past mistakes. As the saying goes, “If you can’t do the time, don’t do the crime,” sabi pa ng NPC. (Juliet de Loza-Cudia)