Abante Tonite Interactive

Rest house ng mambabatas may multo

557

Magandang magbakasyon sa lalawigan ng mambabatas lalo na sa kanyang rest house sa tabing dagat.

Tiyak daw kasing matatanggal ang lahat ng iyong stress kapag nagpahinga ka sa rest house ng mambabatas.

Subalit pagsapit ng gabi, tataas naman ang balahibo mo dahil sa namamahay na multo dito.

Naranasan na raw ng ilang bisita ang pagmultuhan sa rest house kaya nangako na silang ‘di babalik dito.

Pero itong mambabatas, dedma lang sa multo as in nasanay na siya sa mga gumagalang kaluluwa sa kanyang rest house.

Clue. Ang mambabatas na may rest house na pinamamahayan ng multo ay taga-Luzon at may letrang A sa kanyang pa­ngalan