Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rest In Peace doggy pacman!

0 409

My Ever-Dearest FurParents:

May malungkot na balita ako, mga PETmalu!

Last weekend, namatay sa isang freak accident si doggy Pacman, ang 14-year-old Jack Russel Terrier ni Senator Manny Pacquiao. Nasagasaan ito ng isang long-time aide ng Senador habanginaatras nito ang kotse sa bahay ng pulitiko sa Gen. Santos City. Dinala nila agad si doggy Pacman sa vet pero nasawi pa rin ang buhaynito.

Nakaklungkot talaga dahil si doggy Pacman angmagiting na ‘exercise buddy’ ng ating Pambansang Kamao.

Isang matinding dog-lover pala si Senator Manny! Ayon sa kanyang coach na si Freddie Roach, noong bata pa si Manny, nagkaroon siyang trauma. Kinatay ng tatay niya ang kanilangfamily dog at ginawang ulam dahil wala nasilang makain. Dahil dito, naglayas si Manny at namuhay nalang sa lansangan sa murang edadng 12-years-old.

Alam kong may mga bagay sa buhay na hindinatin maiiwasan, tulad ng nangyari kay doggy Pacman. Pero sana po, matuto tayo sa pangyayaring ito. Kung kayo po ay isangFurParent, may mga simpleng hakbang paramaiwasan ang mga aksidenteng ganito:

– Itali sa leash si doggy sa loob ng bahay kung aalis kayo. Kung ilalabas niyo si doggy,siguraduhing tama lang ang higpit ng kanyangcollar – huwag masyadong maluwag dahil bakamakatakas pa rin ang aso. At huwag dinmasaydong masikip para hindi naman siyamasakal. Rule of thumb: dapat maisisingit moang iyong dalawang daliri sa ilalim ng collar.

– Bumili ng dog fence at gawing harang ito sa front door. Piliin ang dogfence na may sarilinggate para madaling i-bukas at i-sara pag-aalis ka na. Ginagamit ko ito sa bahay ko dahil napaka-effective!

– Bigyan ng obedience classes si doggy. Ituturong dog trainer sa iyong aso ang mga utos tuladng ‘sit’, ‘stay’ at ‘come here’. Napaka-importante ang utos na ‘come here’ dahil kung sakaling makatakas nga si doggy, kung sanaysiya sa utos na ito, lalapit siya agad sa iyo.Mayroon ding mga Youtube dog training videosna maari niyong panoorin – subukan niyo ang videos ni Lestre Zapanta at Zak George.

– Ipa-kapon ang inyong mga aso’t pusa. Mababawasan ang kanilang pagnanasangtumakas at gumala sa kalye. Hindi po itomasama sa kalusugan ng inyong aso o pusa. Sa katunayan, may anti-cancer na epekto ang pagkakapon. Itanong niyo sa vet!

Palagi po nating ingatan ang ating mgaFurbabies. Ugaliin nating maging mapag-BANTAY kina Muning at Bantay.

PAWfectly Yours,

Joyce

Photos from the Instagram of Senator Manny Pacquiao

Leave A Reply

Your email address will not be published.