Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Resto bukas na hanggang alas-onse ng gabi

0 248

Pinayagan na simula kahapon, Hulyo 21 ng Department of Trade and Industry ang mga kainan na maging bukas nang mas matagal at magsilbi sa mas maraming dine-in customer.

Nakasaad sa DTI Memorandum Circular 20-39, papayagan ang mga food establishment na mag-operate hanggang alas-onse ng gabi, sa mga general community quarantine at modified general community quarantine area.

“All restaurants and fast food businesses shall be allowed to operate until 11 p.m. Thus, LGUs are enjoined to adjust curfew hours up to 12 midnight to allow greater daily turnover of dine-in services and enhance income opportunities for workers,” ayon pa sa memo.

Karamihan sa mga lugar sa bansa ay nakasailalim na sa GCQ at MGCQ, maliban sa Cebu City na nasa modified enhanced community quarantine. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.